Wala na ang DongDong ni DingDong

“Hay sa wakas!”

Ito na lang ang nabanggit ko nang mapadaan ako sa kanto ng Osmeña Highway at Quirino Avenue. Wala na ang nakakatakot na billboard ni Dingdong Dantes showing off his body for Bench. Tapos nang magsemana-santa ang mga pulis na naka-poste sa may Designer Depot at ngayon ay balik Nicole ng Pussycat Dolls na naman ang laman ng billboard.

“Buti na lang, binalik na nila ang syota ko,” sabi ni Manong Taxi Driver. “May inspirasyon na ako ngayon kahit traffic.”

Yun na yata ang pinakamabilis na billboard na nagstay sa area na yun… kinabit bago mag Holy Week, tinanggal nung Holy Monday, at after Easter Sunday, iba na ang nakapaskil.

Ayos!

Mag-iwan ng Tugon