The Heat is On
Hindi ko alam kung napapansin nyo na pero sobrang init na ng panahon!
Nagising ako kanina na balot na balot pa sa kumot sa lamig ng aircon. Hindi ko alam na paglabas ko ay daig ko pa ang pumasok sa ultra dry na sauna. Hindi pa man ako nakakalakad ng mga sampung talampakan ay naramdaman ko nang may patulo galing sa ilong ko.
Yup, dugo. Wala namang nagspospokening Dollar sa paligid para magnosebleed ako. Kung tutuusin, naligo naman ako kagabi kaya medyo presko pa rin, yun nga lang, matindi talaga ang sikat ng araw na talagang tumatagos na ang init mula sa bubong. Take note, alas-8 pa lang ng umaga.
Dahil Easter Sunday ngayon ay nagdesisyon akong magsimba. Kahit na open-air ang simbahan at maraming electric fan sa paligid ay talaga namang panay pa rin ang paypay ko sa dala-dalang abaniko. Hindi siya yung tipo ng malagkit na init na nakakapagpapawis kundi dry heat na parang gumuguhit sa loob ng ilong hanggang utak. Doon nagsimula ang migrane ko.
Dumaan ang tanghali at hapon at kung ano ano na ang ginawa ko: Kumain ng ice cream, uminom ng melon shake, naligo uli, nagpagupit ng buhok, naligo uli, kumain ng ice cream, at naligo uli. Grabe ang init parin!
Bago kumain ng halo-halo bilang hapunan ay dumugo na naman ang ilong ko. Kinakabahan na ako dahil baka iba na ito. Umupo muna ako at naglagay ng cold compress sa noo habang nagfafacial ng yelo. Binuksan ko na rin ang telebisyon para maglibang ng konti. Tamang-tama, nagmimisa pa sa Vatican. Pero ang kainaman, doon… umuulan. Ng malakas.
Mood: Paksy*t

Marso 23, 2008 Sa 10:36 hapon
nyay! meron ka? dinugo ka? anong pinampahid mo sa ilong mo? with wings ba? nyahaha! joke lang po.
buti na lang dito sa bansa ko (mindanao) …kahit mainit eh mahangin pa rin.
Marso 24, 2008 Sa 3:55 hapon
yung ‘all nights’ (ba yun?) ang pinangsalo ko sa dugo wahahahaha!!!
wow… saya sa mindanao! last year bumisita ako dyan, enjoy na enjoy ako lalo na sa camiguin!!! i lab it!