Tocilog
Sa katamaran kong magluto ng agahan kanina ay naisipan ko na lang na bumili ng pagkain malapit sa amin. Paglabas ng bahay ay natanaw ko na ang sikat na tapsi-han sa di kalayuan. Di ito nauubusan ng kustomer kahit na 24 oras itong bukas. Hindi pa man ako ganap na nakakapasok sa loob ng tapsi-han ay maingay na akong sinalubong ng ‘attendant in-charge’ na itago na lang natin sa pangalang Lotis…
Lotis: (pasigaw) Good morning sir! For dine-in po?
Jose: (pa-antok) Hindi, for take-out. Pwede bang paki-styro?
Lotis: (pasigaw sa may kusina) Ate! May styro ba dyan?
Ate: (pasigaw din syempre) Bakit ka magstystyro eh may pinggan naman dyan!
Lotis: (hindi na gaanong pasigaw) Eh sir, plato lang po…
Jose: (namimilosopo) Pwede kong iuwi ang plato?
Lotis: (sumigaw uli sa may kusina) Ate pinapauwi ba yung plato?
Ate: (masakit na ang tenga ko) Ay take-out ba? Etong styro na lang… ilang order ba?
Lotis: (medyo naiimbyerna na) Ano po ba order nyo?
Jose: (gutom na) Dalawang order ng Tocilog, kung pwede kamatis na lang wag na atchara.
Lotis: (pa-tili na) Dalawang Tocilog… Take-out… walang atchara, kamatis na lang!
Jose: (pabulong) Miss kung pwede rin sana yung itlog yung luto pati yung pula.
Pagod na siguro ang ngala-ngala ni Lotis dahil pumasok na lang siya sa kusina. Pagbalik ni Lotis, umiinom na siya ng tubig na malamig.
Lotis: (di na siya sumisigaw) Bale ’Sebenti’ Pesos lahat.
Jose: Miss paki-sigurado lang na lutong mabuti yung itlog ha…
Lotis: (ay sumigaw na naman!) Ate! Yung itlog!
Ate: (iritableng lumabas at iniabot ang order) Eto na, p*nyeta ka! Sigaw ka ng sigaw, nakakahiya!
Ngumiti pa si Ate sa akin at nag-”Thank you”. Gutom na gutom na ako nung mga panahon na yun kaya dali-dali na rin akong umuwi sa bahay para kumain. Kaya dalawa ang inorder ko ay mukhang konti lang ang ulam nila per order at baka maka-1 and 1/2 rice din ako (hahaha nag-explain!)
Anong gulat ko na lang ng makita ko ang laman ng bawat styro: limang gilit ng tocino, bagong saing na kanin (hindi pala ’sinangag’ ang ’si’ nila kundi ’sinaing’), 1/4 na maberde-berdeng kamatis at scrambled egg.
Ayos.

Marso 23, 2008 Sa 10:41 hapon
mukang lugi ka sa inorder mo.
lugi ka na nga…muntik ka pa lugain sa kasisigaw ni lotis. ayus!
Marso 24, 2008 Sa 3:56 hapon
lugi nga talaga kasi bitin ako wahehehe….
nga pala nakita ko si Lotis kanina nung bumili ako ng dyaryo… ayun mukha pa ring retarted.
Marso 24, 2008 Sa 8:32 hapon
may nakikita ako sa malabong bolang kristal ko na magkakatuluyan kayo ni lotis. yey!
Marso 24, 2008 Sa 8:47 hapon
ayos! mamumundok na lang ako! wahahaha