27.5-M Pinoy walang sariling Banyo

Lumabas sa pag-aaral na may pamagat na “Economic Impact of Sanitation in the Philippines” na pinon­dohan ng World Bank’s Water and  Sanitation  Program ng United States Agency for International Development (USAID), natuklasan din na 13 milyon Pinoy ang wa­lang access sa malinis na tubig.

Ayon kay Sen. Santiago, maliwanag na ginaga­rantiyahan ng Konsti­tusyon na dapat pro­tek­tahan ng gobyerno ang kalusugan ng mga ma­mamayan. 

Base sa pag-aaral, 3.3% ng mga Filipino houses ay konektado sa mga sewers na buma­bagsak naman sa mga treatment facilities sa­mantalang 95% ng mga liquid waste ay dumi­diretso sa mga ilog at dagat na nagi­ging sanhi ng matin­ding polusyon.

Dahil sa maruming kapaligiran at substandard waste facilities, 38 milyon katao sa Pilipi­nas ang nakakaranas ng diarrhea taun-taon na nagiging sanhi ng ka­ma­tayan ng nasa 11,338 na karamihan ay mga bata. 

Isiniwalat naman ng Department of Health at Department of Environment and Natural Resources na ang mga “water-borne diseases” ay ginagastusan ng gob­yerno ng P77.8 billion per year kasama na ang premature deaths, health-care expenses, lost wages at matinding impact sa environment.

Dahil sa maruming sa­nitasyon sa bansa, naa­apektuhan din uma­no ang pagpasok ng turismo na makakatu­long sana sa patuloy na pag-angat ng ekono­miya.

Ayon sa World Bank at USAID, na nakaka­alarma na ang problema ng hygiene at sanitation kaya sinabi ni Santiago na panahon na upang mag­pasa ng batas ang Kon­greso upang ma­ayos ang nasabing prob­lema.

(galing sa Pilipino Star Ngayon)

Mag-iwan ng Tugon